“Ikaw”
Mga mala-dyamanteng mga mata, mga kulay rosas
na labi, at mga mala anghel na ngiti
Mga simpleng bagay na sa’yo’y aking tinatangi,
Na nakadagit ng aking atensyon, lumalakas ang
tensyon pag patungo na sa aking dereksyon
Sino ka ba? nabuo mo ang pagkatao kong nag mamalpangksyon,
at pinatigil ang mundo ko sa aksyon.
Akala ko sa sinehan at mga pelikula lang ang nararanasan
ko sa twina,
Sa tuwing lilingunin kita ay di tao, ngunit
mundo ang aking nakikita.
Alam ko ang mga sinasabi ko ay tila pantasya,
ngunit nagiging makatotohanan pag nariyan ka na
Napatunayan na si kupido ang pumana, ngunit ang
puso ko, sayo’y tumama.
Matatapos ang aking tula sa puro mga salita,
mga katagang naglalarawan na di mala-tao,
Sapagkat siya’y isang mahal…mahal na mahal ko,
oo, korni na naman ako,
Pero sino ng aba ito? Siya lang naman ang unang
nagpatibok ng puso ko
Oo totoo, walang halong biro, yung tipong
nakakalas niya ang pinto kung saan ang pakiramdam at puso ko’y nakatago.
At sa mga sandalling ito, ipapakilala ko na ang
taong binabanggit ko
Oo, tila nagpapakilala ako ng isang tao sa
entablado, na gumagamit ng mabubulaklak na salita para sa hurado,
Pero, ang babaeng tinutukoy ko ay lagi kong
tinatanaw,
Na kung ang gabi ay itim, at ang araw ay dilaw,
ang babaeng ito naman, ay Ikaw.
Comments
Post a Comment