“Kalawakan”
ni: harbii
Milyong-milyong mga Bituwin, di ko na sila
kailangan pang sungkitin
Dahil ang aking nag-iisang hiling ngayon ay
narito na saakin
Ang talang tinitingala ko lang dati ay naririto
na saaking tabi
Na magsisilbing liwanag sa madidilim kong mga
gabi
Ganun din ako sa’yo, di ko hahayaang mawala ang
ningning ng talang iniibig ko
Pangakong nandito lang ako, umabot man tayo sa
dulo.
Tawagin mo akong SoLuna, Ako ang Araw na
kapiling mo sa oras ng kasiyahan
At ang Buwan na kadamay mo sa iyong tinatahak
na kalungkutan.
Ikaw ang aking Daigdig na dahilan kung bakit
ang puso ko’y pumipintig
Hawla ng bawat memorya, dito narin natin
ikukulong ang bawat istorya
Yung tipong dadaigin pa natin ang pag-iibigan
sa telenovela
Na kahit sa panahon ng panlalamig, di maglalaho
ang aking pag-ibig.
Ikaw ay nag-iisa, walang kang katumbas kahit na
sino pa sila
Sisiguraduhin kong ika’y palaging masaya.
Sobrang laki man ng Mundo, kilokilometro man
ang bawat espasyo
Pero kahit na ganong kalawak man ito, ikaw lang
ang KALAWAKAN ko.
Hinding-hindi ko malilimutan ang isang gabi ng Nobyembre, hinding-hindi, mahal
Comments
Post a Comment