“Bituwin ko’y ikaw”
Kahit anong mangyari, naririto ako sa iyong
tabi,
Itaboy mo man ako, ako’y mananatili at sa’yo ay mamamalagi.
Sa puntong ito, mga oras at emosyon natin ay nagtutugma, parehas silang nagtatama,
At ang sa atin nama’y gusto ko nang maayos at di isawalang bahala.
Panahon, Oras, Espasyo, siguro ito ang sangayo’y
kailangan mo,
Gagalangin ko ang mga ninanais ng mahal ko, ang mga nais mo.
Kung kailangan mo ng ganito o ganyan, ibibigay ko saiyo,
Alam mo naman diba? Lahat ay gagawin ko para sa binibini ko.
Kumusta ka na ba? sana’y iyong malaman na ako’y
naririto pa
Na sa ating di pagkakaunawaan ay ayokong nag-iisa ka,
Dahil ang totoo, may kasama ka, ako, ako na madalas may mga mali
Lahat ay aking gagawin upang maitama, at ang mga pangako’y di mabali.
Ako’y maghihintay, maging kahapon man ang
ngayon
Didilat ako at maghihintay, dahil sabi mo’y kailangan mo ng panahon
Hihintayin at ito’y aking aayusin,
Dahil mahal kita, kahit anong pasanin ay bubuhatin, wag lang malungkot ang aking nagiisang bituwin.
(ikaw)
Itaboy mo man ako, ako’y mananatili at sa’yo ay mamamalagi.
Sa puntong ito, mga oras at emosyon natin ay nagtutugma, parehas silang nagtatama,
At ang sa atin nama’y gusto ko nang maayos at di isawalang bahala.
Gagalangin ko ang mga ninanais ng mahal ko, ang mga nais mo.
Kung kailangan mo ng ganito o ganyan, ibibigay ko saiyo,
Alam mo naman diba? Lahat ay gagawin ko para sa binibini ko.
Na sa ating di pagkakaunawaan ay ayokong nag-iisa ka,
Dahil ang totoo, may kasama ka, ako, ako na madalas may mga mali
Lahat ay aking gagawin upang maitama, at ang mga pangako’y di mabali.
Didilat ako at maghihintay, dahil sabi mo’y kailangan mo ng panahon
Hihintayin at ito’y aking aayusin,
Dahil mahal kita, kahit anong pasanin ay bubuhatin, wag lang malungkot ang aking nagiisang bituwin.
(ikaw)
Comments
Post a Comment