“Kalawakan” ni: harbii Milyong-milyong mga Bituwin, di ko na sila kailangan pang sungkitin Dahil ang aking nag-iisang hiling ngayon ay narito na saakin Ang talang tinitingala ko lang dati ay naririto na saaking tabi Na magsisilbing liwanag sa madidilim kong mga gabi Ganun din ako sa’yo, di ko hahayaang mawala ang ningning ng talang iniibig ko Pangakong nandito lang ako, umabot man tayo sa dulo. Tawagin mo akong SoLuna, Ako ang Araw na kapiling mo sa oras ng kasiyahan At ang Buwan na kadamay mo sa iyong tinatahak na kalungkutan. Ikaw ang aking Daigdig na dahilan kung bakit ang puso ko’y pumipintig Hawla ng bawat memorya, dito narin natin ikukulong ang bawat istorya Yung tipong dadaigin pa natin ang pag-iibigan sa telenovela Na kahit sa panahon ng panlalamig, di maglalaho ang aking pag-ibig. Ikaw ay nag-iisa, walang kang katumbas kahit na sino pa sila Sisiguraduhin kong ika’y palaging masaya. Sobrang laki man ng Mundo, kilokilometro man a
“Ikaw” Mga mala-dyamanteng mga mata, mga kulay rosas na labi, at mga mala anghel na ngiti Mga simpleng bagay na sa’yo’y aking tinatangi, Na nakadagit ng aking atensyon, lumalakas ang tensyon pag patungo na sa aking dereksyon Sino ka ba? nabuo mo ang pagkatao kong nag mamalpangksyon, at pinatigil ang mundo ko sa aksyon. Akala ko sa sinehan at mga pelikula lang ang nararanasan ko sa twina, Sa tuwing lilingunin kita ay di tao, ngunit mundo ang aking nakikita. Alam ko ang mga sinasabi ko ay tila pantasya, ngunit nagiging makatotohanan pag nariyan ka na Napatunayan na si kupido ang pumana, ngunit ang puso ko, sayo’y tumama. Matatapos ang aking tula sa puro mga salita, mga katagang naglalarawan na di mala-tao, Sapagkat siya’y isang mahal…mahal na mahal ko, oo, korni na naman ako, Pero sino ng aba ito? Siya lang naman ang unang nagpatibok ng puso ko Oo totoo, walang halong biro, yung tipong nakakalas niya ang pinto kung saan ang pakiramdam at puso k